Nakilahok sa WPS advocacy run, umabot ng mahigit 7-K

Nakilahok sa WPS advocacy run, umabot ng mahigit 7-K

MAHIGIT pitong libo katao ang nakilahok sa “takbo para sa West Philippine Sea” advocacy run sa Pasay City nitong Linggo, July 7.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, patunay ito na maraming Pilipino ang nakikiisa sa pamahalaan hinggil sa usaping may kinalaman sa WPS.

Nagpapalakas rin aniya ito sa morale ng mga uniformed personnel ng bansa.

Samantala, ang second leg ng advocacy run na ito ay gagawin sa Cebu ngayong August 4 habang sa September 8 sa Cagayan de Oro ang third leg.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble