Nakumpiskang ilegal na droga ng pulisya ngayong taon, higit P6-B na

Nakumpiskang ilegal na droga ng pulisya ngayong taon, higit P6-B na

NAGPAPATULOY ang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng pulisya.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula Enero 1 – Hunyo 9, 2023, umabot na sa P6.2-B halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakumpiska.

Nakapagsagawa ang PNP ng 19,464 drug operations sa iba’t ibang lugar sa bansa na nagresulta sa pagkaaaresto sa 25,641 drug offenders.

Habang 31,956 wanted persons ang tuluyang nahulog sa kamay ng mga awtoridad.

Tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang buong suporta nila sa programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) na Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) na nakatutok sa drug demand reduction at rehabilitation sa mga komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter