HINDI matatawag na isang achievement ang mga nakumpiskang mga iligal na droga o mga ipinagbabawal na gamot kung talamak pa rin ang bentahan nito sa bansa.
Lalo na kung hindi pa nahuhuli ang mga nasa likod ng kalakalang ito.
Ito ang binigyang-diin ng political vlogger at Banateros anchor na si Master Judea.
Bilang mensahe na rin ito ng vlogger kay Bongbong Marcos Jr. matapos dumalo ang pangulo sa isang aktibidad noong Hunyo 25, 2025 kung saan sinunog ang mga nakumpiskang iligal na droga sa isang pasilidad sa Capas, Tarlac.
Tinatayang mahigit P9.4B ang halaga ng mga sinunog na shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at iba pang ilegal na droga.