Namahagi ng mga educational material ang UNICEF sa bansang Laos na tinatayang nagkakahalaga ng bilyun-bilyong Laotian kip.
Nag-donate ang Unicef sa bansang Laos ng mga educational material na nagkakahalaga ng 33.6 Bilyong kip upang maipatupad ang response plan ng Ministry of Education and Sports.
Ang mga materyales na ibinigay sa ministry ay naglalaman ng mga textbook, teacher’s guide at iba pang learning material na maaaring gamitin ng 760,000 na mga mag-aaral mula sa pre-primary hanggang sa secondary school level.
Humigit kumulang sa 35,000 na mga guro naman ang makikinabang rito sa bansa.
Bilang karagdagan, 1M estudyate ng kindergarten, pre-primary at primary schools ang makakatanggap ng sabon at iba pang hygiene materials bilang suporta sa laban ng gobyerno kontra COVID-19.
Ang mga materyales na ito ay binili naman mula sa pondo ng global partnership for education COVID-19 accelerated grant.
Ang mga educational material na ito ay personal na ibinigay ng UNICEF sa Ministry of Education and Sports ngayong araw.