Namahagi ng water pumps at engine sets – NIA Region 1

Namahagi ng water pumps at engine sets – NIA Region 1

AABOT sa 70 water pumps at engine sets ang ipinamahagi ng National Irrigation Administration (NIA) Region 1 sa mga magsasaka sa Pangasinan ang nasabing hakbang ng NIA ay upang mas mapabuti pa ng mga magsasaka ang kanilang ani at produksyon sa kanilang mga produkto gaya ng palay, mais at iba na sagot sa lumalalang epekto ng climate change na kung saan malaking bahagi ng mga sakahan ang hindi napapatubigan.

Ayon kay NIA Deputy Administrator for Administrative and Finance Sector Ralph Lauren Du na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makinarya at pagpapatupad ng mga programa para sa mga magsasaka ay makakatulong ito upang matugunan ang problema ng bansa kaugnay sa food security at food sufficiency.

“Kaya nga po natutuwa po ako ngayong araw na ito na kami po kasama ang inyong provincial government ay mamahagi po ng water pumps at engine sets sa ating mga bayaning magsasaka ito po ay makakatulong sa inyo sa pananim niyo po lalo na po sa nabanggit ng ating governor sa ating adhikain ng ating mahal na presidente na i-priority po yung food security hindi po ito maging matagumpay kung hindi po tayo magtutulungan ang ating gobyerno at ang ating mga magsasaka,” pahayag ni Ralph Lauren Du.

Maliban dito batid ng opisyal ang hirap ng mga magsasaka dahil sa mahal ng gasolina kaya naman inihayag nito na kanila nang sinimulan ang paglalagay ng solar-powered water pumps sa ilang lugar sa lalawigan ng pangasinan upang hindi na madagdagan ang production cost ng mga magsasaka.

“Nagshi-shift na po tayo sa solar kasi kung ko-kumpyutin ng long term mas malaki po yung matitipid natin medyo mahal lang po siya sa simula but sa capacity namin sinusubukan po ng aming makakaya na maipakalat po ito na meron po tayong solar power pump na pwede po nila ma-avail, pwede nilang mai-request makipagtulungan lang po sa ating mga regional offices,” ani ni Ralph Lauren Du.

Para naman kay Pangasinan Governor Ramon Guico III, sinabi nito na dapat alagaan ng mabuti ang mga ibinigay na makenarya at inahagi din ito sa ibang kasamahan at huwag gawing personal ang mga water pumps.

“Madalas pag may mga ganitong equipment (uy sa kanya na akin na ito, iparenta ko ng ganito) i-share niyo po ang ganitong blessing kaya nga po ibinibigay natin sa association o sa federation upang magamit po ng lahat so dapat patas lang po sa lahat,” pahayag ni Ramon Guico III, Pangasinan Governor.

 

Follow SMNI News on Twitter