Namatay sa Bagyong Agaton, pumalo na sa 212

Namatay sa Bagyong Agaton, pumalo na sa 212

INANUNSIYO ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa 212 ang bilang ng namatay dahil sa Bagyong Agaton.

Batay sa report ng NDRRMC, 186 sa mga nasawi ay naitala sa Eastern Visayas, 21 sa Western Visayas, dalawa sa Central Visayas habang tatlo naman sa Davao Region.

111 pa lamang doon ang kinumpirma ng NDRRMC. 17 rito ay mula sa Western Visayas at 94 sa Eastern Visayas.

Pumalo naman sa 132 katao ang nawawala at patuloy na pinaghahanap kung saan 130 ay mula sa Eastern Visayas, 1 mula sa Western Visayas, at 1 mula sa Davao Region.

Samantala, umakyat na sa 2,268,753 katao o katumbas ng 650,454 families ang apektado ng Bagyong Agaton sa 2,670 na mga barangay sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, Caraga at Bangsamoro.

BASAHIN: DOE, nagdeklara ng price freeze sa LPG at kerosene sa marami pang Agaton hit-areas

Follow SMNI News on Twitter