POSIBLENG maharap sa mga kaso ang dating tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) matapos manampal sa isang raid operation sa Bataan noong nakaraang linggo.
Sa viral video, kitang-kita ang ginawang pananampal ni PAOCC spokesperson na si Winston Casio sa isang nakatalikod na lalaki sa video.
Nangyari ang insidente habang mayroong operasyon ang PAOCC sa Bagag, Bataan sa isang BPO doon na gumagawa umano ng ilegal na aktibidad.
Humingi na ng sorry si Casio sa kaniyang inilabas na public apology.
Ayon dito, ginawa lang niya ang pananampal matapos siyang i-dirty finger ng lalaki na isa sa mga nagtatrabaho sa naturang BPO.
Pero ang hepe ng PAOCC na si Usec. Gilbert Cruz, naniniwala na sa halip nanampal si Casio ay kinasahun na lang sana niya ang lalaki. Ngayon, siya tuloy ang pwedeng maharap sa mga kasong administratibo at kasong kriminal kung may pormal na maghahain ng reklamo.
“‘Yong mali kasi hindi natin pwedeng gamutin ng isa pang mali.”
“‘Yong pananampal hindi natin pwedeng i-justify,” saad ni Gilbert Cruz, Under Secretary, PAOCC.
Samantala, nasa 200 na mga foreign nationals ang ipade-deport ng PAOCC sa susunod na linggo.
Ang mga ito ay arestado sa mga nakaraang iba’t ibang operasyon ng PAOCC.
Sa operasyon sa Bataan, isa umano sa mga timbog ay ang Indonesian wanted na ngayon ay iniimbestigahan na kung bakit nakapasok ito sa bansa at nakapagtrabaho pa sa BPO.
Ayon kay Cruz, hindi lisensiyado ang kanilang gambling services dito sa bansa.
Inihayag naman ng Cybercrime Investigation and Coordinating Council na magbabago ng istilo ang mga natitirang POGO Operators sa bansa.
Matatandaan na hanggang Disyembre na lang ang operasyon ng mga ito matapos ang direktiba para sa total ban ng POGO.
Ayon kay CICC Chief Usec. Alexander Ramos, ang mga scammer magpapadala ng mga alarming messages gamit ang PayMaya at GCash.
Kapag na-click ang pinadalang mensahe ng mga ito, makukuha ng scammer ang iyong account.
Gumagamit aniya sila ng bagong teknolohiya para sa panlololoko na tinatawag na IMCI-Catcher’s kung saan hindi na nila kailangan gumamit ng SIM card para makapangloko.
Follow SMNI News on Rumble