MASYADONG maaga pa para sabihing election related ang nangyaring shooting incident sa pagbisita ni presidential candidate Leody De Guzman sa Quezon, Bukidnon kahapon.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na nagsasagawa pa sila ng malalimang imbestigasyon sa shooting incident na naganap habang nagsasagawa ng pulong si De Guzman sa grupo ng Indigenous People.
Ayon sa PNP, nanatiling malabo ang mga detalye ng insidente dahil sa inisyal na imbestigasyon ay walang maayos na koordinasyon na ginawa sa mga otoridad hinggil sa pagbisita sa concerned property na may standing court case.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PNP ang mga kandidato at publiko na makipag-ugnayan sa pulisya para makapagbigay sila ng security assistance para maiwasan ang mga ganitong insidente.
Samantala, nangako ang PNP na patuloy ang gagawin nilang imbestigasyon at pananagutin ang mga nasa likod ng pamamaril.