Napabalitang endorsement ng MNLF kay Pacquiao, pinabulaanan ng tanggapan ni Chairman Nur Misuari

Napabalitang endorsement ng MNLF kay Pacquiao, pinabulaanan ng tanggapan ni Chairman Nur Misuari

ITINANGGI ng tanggapan ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari ang napabalitang pag-endorso ng kanilang organisasyon kay presidential candidate Senator Manny Pacquiao.

Sa opisyal na pahayag ng MNLF Central Committee-Office of Chairman Nur Misuari, sinabi dito na ang kumakalat na larawan ni Misuari kasama si Pacquiao ay hindi isang opisyal na endorsement para sa kandidatura ng senador.

Ang naturang pagkikita ng dalawa sa isang hotel sa Makati ay isang courtesy call lang ng senador kay Misuari bago ang biyahe ng MNLF chairman sa ibang bansa.

Paliwanag pa ng organisasyon, anumang endorsement ng ilang miyembro ng MNLF sa ilang kandidato ay personal at hindi nangangahulugang endorsement na ito ng chairman o ng buong organisasyon.

Ayon pa sa pahayag, nananatiling neutral si Misuari at hindi pa ito opisyal na nag-endorso ng presidential candidate para sa nalalapit na halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter