Napakamakapangyarihang sindikato, nasa likod ng 990kg shabu case—Abalos

Napakamakapangyarihang sindikato, nasa likod ng 990kg shabu case—Abalos

NAPAKAMAKAPANGYARIHANG sindikato ang nasa likod ng 990kg na shabu na nakuha mula kay dating PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong Oktubre 2022.

Ito ang ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos batay sa impormasyon na nakuha niya.

Sinabi pa na maaaring sasaktan nito ang pamilya o anak ng Secretary o kahit sinumang kasama sa nagpapaimbestiga ng shabu cover-up.

Hindi naman masabi ni Abalos kung iisa o marami ang sindikatong nasa likod nito subalit hindi siya naniniwala na hanggang kay Mayo lang ang mga shabu.

Itinuturing na isa sa pinakamalaking illegal drug haul sa bansa ang 990kg mula kay Mayo.

Sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-resign ang mga pulis at hayaan na ang mga sundalo na mag-take over sa kaligtasan ng bansa, sinabi ni Abalos na posibleng nasabi ito dahil sa mga isyu.

Ani Abalos, gagawin nila ang kanilang mga trabaho dahil marami pa anila silang magagawa para maresolba ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter