Nararanasang shear line at ITCZ huwag balewalain—OCD Chief

Nararanasang shear line at ITCZ huwag balewalain—OCD Chief

NANAWAGAN ngayon ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag maliitin at ipagwalang bahala ang epekto ng shear line at ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na sanhi ng mga nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas.

Ang shear line ay isang imaginary boundary na kung saan nagtatagpo ang malamig at mainit na hangin na nakakabuo ng ulap na naghahatid ng pag-ulan.

Sa isang panayam, binigyang diin ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng paglalabas ng babala at abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and Geosciences Bureau (MGB), at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa pamamagitan aniya nito ay mainam na makakapaghanda ang publiko sa maaring epekto ng weather systems.

Kaugnay nito, sinabi ni Nepomuceno na nakapagtala na ang OCD ng limang nasawi at dalawa ang nawawala bunsod ng nararanasang shear line at ITCZ mula noong Disyembre 26, 2024, hanggang Enero 2, 2025.

Ang nabanggit na bilang ng mga nasawi ay mula sa MIMAROPA, Eastern Visayas, at Davao Region.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble