TINATAYANG nasa 25 libo ang kabuuang bilang ng mga nakilahok sa Homecoming Parade at iba pang aktibidad na inilatag para sa mga atletang Pinoy na sumabak sa Paris 2024 Olympics.
Aabot naman sa mahigit 7 kilometro ang itinakbo ng naturang parada buhat sa Aliw Theatre sa Pasay City patungong Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
Kasunod nito ay ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa sa pangkalahatan ang isinagawang parada at aktibidad para sa kanila.
Ayon sa PNP PIO, malaking bagay ang pakikiisa ng lahat katuwang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa maayos na daloy ng programa para sa mga ipinagmamalaking mga atleta ng bansa.