MABABA sa 10 opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang iniuugnay sa isyu ng iligal na droga.
Ito ang inamin ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. mula sa kabuoang 956 full-pledge Police Colonels at Police Generals na pinagsusumite ng courtesy resignation ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.
Ayon kay Azurin, binibigyan niya hanggang Enero 31 para magbitiw ang lahat ng nasa 3rd Level Officers ng PNP bilang bahagi ng internal cleansing sa kanilang hanay.
Ngayong araw, naghain ng courtesy resignation ang Chief PNP kasama ang mga miyembro ng Command Group na sina Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for administration; Police Lieutenant General Benjamin Santos, PNP deputy chief for operations; at Police Lieutenant General Michael John Dubria, chief directorial staff.
Nilinaw rin ni Azurin na ang pagbibitiw ng mga opisyal ng PNP ay mula sa serbisyo at hindi lamang sa posisyon na kanilang hinahawakan.