INILIKAS na ng provincial government ng Albay ang nasa 10,000 farm animals na nakapaloob sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon sa patuloy na pag-aalboroto nito.
Ayon kay Albay Public Safety and Management Office (APSEMO) OIC Eugene Escobar, ito’y upang maiwasan ang pagbalik ng mga magsasaka sa tirahan nila upang tignan ang mga alagang hayop.
Base sa pahayag ng pamahalaan ng Albay, nanggaling ang mga apektadong farm animals mula sa 41 barangay ng Sto. Domingo, Daraga, Guinobatan, Caalig, Maliliipot, Ligao City, Tobaco City, at Legazpi City.
Ang inilikas na livestocks ay pansamantalang ilalagay sa mga lugar na pito hanggang walong kilometro ang layo mula sa bulkan, kung saan mabibigyan ang mga ito ng feeds, non-feeds supplies at veterinary support.