Nasa 1K foreign POGO workers, nananatiling ‘unaccounted’—Immigration

Nasa 1K foreign POGO workers, nananatiling ‘unaccounted’—Immigration

NANANATILING ‘unaccounted’ ang nasa 1,000 foreign workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sa pahayag ni Immigration Commissioner Joel Viado, batay ito sa datos na hawak nila hanggang Disyembre 18, 2024.

Sa kabila nito ay sinabi ni Viado na kakaunti na lang ang naturang bilang kumpara sa 33K na rehistradong foreign POGO workers sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Dahil ipinagbabawal na ng pamahalaan ang operasyon ng POGO sa bansa, hanggang Disyembre 31 na lang ang mga ito maaaring manatili sa Pilipinas.

Sa 2025, ang sinumang hindi pa umalis ay mapapa-deport at isasali na sa blacklist ayon sa Immigration.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter