Nasaktan sa Bagyong Goring, umabot na sa 3—NDRRMC

Nasaktan sa Bagyong Goring, umabot na sa 3—NDRRMC

UMABOT na sa 3 ang naiulat na nasaktan sa Bagyong Goring.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nagmula ang mga ito sa Central Luzon at CALABARZON.

Habang nananatili sa 2 ang naiulat na nasawi at 1 ang naiulat nawawala.

Umabot na sa 172,346 pamilya o 638,967 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo sa 1,829 na mga barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Pansamantala, sumisilong ang 479 pamilya o 1,750 indibidwal sa 25 evacuation centers.

Patuloy naman ang pagbibigay ng gobyerno ng family food packs, family kits, hygiene kits, sleeping kits, relief assistance at iba pang tulong sa mga apektadong residente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble