BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte (PRRD) kasama si Senator Christopher Bong Go ang Negros Island para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette doon.
Bago ito ay matatandaan na noong Sabado pagkatapos ang matinding pananalasa ng Bagyong Odette ay agad na nag-ikot ang dalawa sa Southern Leyte at Surigao Del Norte, samantala noong araw ng Linggo ay nag-ikot naman ito kasama ang pangulo sa Cebu at Bohol.
Ayon kay Go, titiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng sapat na atensyon at tulong ang lahat ng mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo at ang walang tigil na pagde-deploy ng kagamitan, ayuda, at personnel ng gobyerno.
Kasabay ng kanilang pagbisita sa Negros Occidental nitong Lunes ay ang ceremonial turn over ng DSWD ng 1,000 packs relief goods para sa mga apektadong pamilya.
Namigay rin ng financial assistance ang pangulo sa ilang mga pamilya roon habang pinakikinggan ang kanilang mga hinaing.
Titiyakin din ng pangulo na muling magkakaroon ng bahay ang mga nawalan ng tirahan maging ang agricultural assistance para sa mga mangingisda at magsasaka.
Power supply sa ibang lugar na apektado ng Bagyong Odette, hindi pa naibalik
Samantala, hindi pa rin naibabalik hanggang ngayon ang ibang power supply sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette.
Ito ang inihayag ng base sa kanilang pinakahuling update.
Sinabi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Perez-Alabanza, aabot sa 12 mga tower at animnaraang steel poles ang natumba dahil sa Bagyong Odette lalo na sa Cebu, Bohol at Leyte.
Bukod pa rito, inihayag din ni Alabanza na matatagalan pa ang restoration sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, target na magsagawa ng restoration sa mga transmission service ang NGCP sa Negros bukas araw ng Miyerkules.