Nasawi dahil sa diarrhea outbreak sa Davao City, nadagdagan pa

Nasawi dahil sa diarrhea outbreak sa Davao City, nadagdagan pa

NADAGDAGAN pa ang nasawi dahil sa diarrhea outbreak sa Toril District sa Davao City.

Ayon sa City Health Office, pumanaw ngayong umaga ang 67 taong gulang na diarrhea patient bunsod ng ‘incidental hemorrhagic stroke.’

Ito na ang ikalawang naitalang nasawi sa gitna ng outbreak matapos masawi ang isang 10 taong gulang na batang lalaki dahil sa severe dehydration at kidney failure.

Sa ngayon, umabot na sa 212 ang apektado ng diarrhea outbreak sa lugar. Matatandaang ipinasara ng local government units ang kahabaan ng Toril District matapos sabihin ng karamihan sa mga pasyente na kumain sila ng street food bago magkaroon ng sintomas ng diarrhea.

Follow SMNI NEWS in Twitter