UMAKYAT na sa 4 ang naiulat na nasawi dahil sa magnitude 7 na lindol na tumama sa probinsya ng Abra.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, dalawa sa mga nasawi ay mula sa Benguet habang tig-isa sa Abra at Mountain Province.
Bukod sa apat na nasawi, sinabi ng kalihim na 60 ang naiulat na nasugatan sa lindol kung saan 44 dito ay mula sa Abra.
Hindi pa naman aniya malinaw kung naberipika na ang naturang datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NGRRMC).
Samantala, sinabi ni Abalos na 15 probinsya, 15 na lungsod, 280 munisipalidad at 6,756 barangay ang apektado ng malakas na lindol.