UMAKYAT sa 400 ang bilang ng mga nasawi sa nakaraang Bagyong Odette na nananalasa noong Disyembre nakaraang taon sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 75 lamang sa nasawi ang nakumpirma hanggang sa ngayon habang patuloy pang bina-validate ang 332.
Nasa 1,147 ang bilang ang mga taong nasugatan kung saan 74 dito ang kumpirmado at 78 ang patuloy na nawawala na may siyam ang kumpirmado.
Lumubo rin ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa P7.68 bilyon sa sampung rehiyon kabilang ang CALABARZON, MIMAROPA, sa mga rehiyon ng 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12 at CARAGA.
Umabot din sa P16.9 bilyon ang pinsala sa imprastraktura sa MIMAROPA, sa mga rehiyon ng 7,8,10,12, CARAGA, at BARMM.
Nag-iwan din ng malaking pinsala ang Bagyong Odette sa mga kabahayan sa sampung rehiyon na may 582,626 bilang ng bahagya at ganap na nasira.