NASA 13,105 ang naitalang nasawi sa COVID-19 ngayong taon.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, 20% lamang ito ng 64,524 na kabuuang COVID-19 deaths na naitala sa Pilipinas.
Ayon kay David, 42,260 o 65.5% dito ay naganap noong 2021.
Iniulat din ni David na ang 7-day average ng COVID-19 deaths hanggang nitong Nobyembre 21 ay 12, bumaba kumpara sa 38 nitong Oktubre 21, 2022.
Ang pinakamataas na 7-day average naman ay 267 na naitala noong Agosto 22, 2021 sa panahon ng Delta surge.