Nasawi sa pag-ulan sa ilang rehiyon sa bansa, 25 na ayon sa NDRRMC

Nasawi sa pag-ulan sa ilang rehiyon sa bansa, 25 na ayon sa NDRRMC

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi sa pag-ulan dulot ng shear line sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay sa datos ng NDRRMC ngayong Miyerkules, Disyembre 28, umabot na sa 25 indibidwal ang naiulat na nasawi.

Sa nasabing bilang, 16 ang mula sa Region 10, 5 sa Region 5, 2 sa Region 8 at 2 sa Region 9.

Pero sa bilang na ito ay 3 pa lamang na nakumpirmang nasawi sa kalamidad.

Samantala, mayroon ding 26 na naiulat na nawawala at 9 na naiulat na nasaktan.

Follow SMNI NEWS in Twitter