Nasawing ‘top’ NPA leader na si “Ka Bok”, matatagalan bago mapalitan – Gen. Almerol

Nasawing ‘top’ NPA leader na si “Ka Bok”, matatagalan bago mapalitan – Gen. Almerol

MATAPOS masawi sa engkwentro ang batikang leader ng New Peoples Army (NPA) sa Mindanao na si Menandro Villanueva, alyas “Ka Bok”,  nagpahayag si Lt. Gen. Almerol, commander, EastMinCom na matatagalan pa ang NPA para makahanap ng gaya ni Ka Bok.

Kung matatandaan, isang malaking katagumpayan ng bansa laban sa insurhensiya ay ang pagkasawi sa bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno nito lamang nakaraang Oktubre 30 sa isang tinitingalang lider ng New Peoples Army na si Ka Oris na binasagang Butcher of the Indigenous Peoples.

Itong Enero 5 naman ng napatay sa engkwentro sa Barangay Libudon, Mabini, Davao de Oro ang isa sa batikang lider ng NPA sa Mindanao na si Menandro Villanueva, alyas Ka Bok.

Nauna na ring sinabi ng Armed Forces of the Philippines na di malayo ang pagkakaiba ni Ka Oris kay Ka Bok dahil isa ito sa matagal nang namumuno sa loob ng kilusan at patong-patong na kaso na rin ang isinampa kay Villanueva.

Ayon sa ulat ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) nitong Biyernes, ang pagkamatay ng most wanted na lider ng NPA ay malaking dagok sa komunistang grupo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lt. Gen. Greg Almerol, commander ng Eastmincom, na ang pagkamatay ni Menandro Villanueva alyas Bok ay isang malaking katagumpayan dahil matatagalan pa ang Komunistang teroristang grupo para palitan si Villanueva

 “It will take the NPA some time to replace a seasoned leader as Villanueva. As a result of this, we expect more communist terrorists to either yield to the troops or continue to suffer defeats under an inexperienced leader in the coming days,” pahayag ni Almerol

Si Villanueva ang pinakamatagal na kalihim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ng NPA at kasalukuyan kalihim ng Komisyong Mindanao (KOMMID), commanding officer ng National Operations Command (NOC) ng NPA, at miyembro ng POLITBURO ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Dating miyembro ng NPA  itinuro ang mga nakatagong armas

Sa kabilang banda naman, dalawang matataas na kalibre ng baril ang itinuro ng dating miyembro ng NPA na si alyas Frank sa 17th Infantry Battalion noong Enero 08, 2022, sa Sitio Daligan Barangay San Juan, Rizal Cagayan.

Ayon sa ulat dalawang M16A1 Riffle Elisco 5.56mm

Ayon kay Frank, ang mga natagpuang armas ay ipinagkatiwala pa sa kaniya ng Komiteng  Probinsya (KOMPROB)  Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV)

“Mas mabuti na pong isuko ko sa kasundaluhan ang mga baril na yan kaysa sa magamit pa ng mga teroristang mga NPA para manakot at kumitil ng buhay,” saas ni alyas Frank.

Nauna narin sinabi ng Armed Forces of the Philippines na asahang mas marami pa ang susukong mga rebelde dahil sa pagkawala ng mga high ranking lider ng komunistang teroristang grupo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter