NAGDULOT ng matinding bagal sa daloy ng trapiko at perwisyo sa mga motorista ang nasirang tubo ng Manila Water sa EDSA Boni.
Maraming mga motorista ang naperwisyo sa maladagat na tubig sa may EDSA-Boni dahil sa nasirang tubo ng Manila Water na nagdulot ng matinding pagsikip ng daloy ng trapiko kung saan ang karaniwang biyahe na 5 minutes mula sa Guadalupe papuntang Robinson Forum habang naka-ECQ ay umabot ng hanggang tatlumpung minuto.
Hindi agad nakausad ang mga sasakyan dahil sa pag-iwas sa parte ng kalsada na may malalim na lebel ng tubig, may iilang motor din ang tumirik sa daan at ang mga commuters kahit pa inaangat na ang kanilang paa ay basa pa rin ang mga suot na sapatos at pantalon dahil sa taas ng tubig.
Nagulat at nahirapan sa sitwasyon ng kalsada ang mga commuters na kailangan tumawid sa baha para makapasok sa kanilang mga trabaho.
Sa panayam ng SMNI news team sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA officer, natamaan ng contractor ng ahensiya ang tubo ng naturang water concessionaire na may 3 meters ang lalim ng butas.
Naglabas naman ng pahayag ang Manila Water na magkakaroon ng emergency leak repair dahil sa pinsala ng third party contractor na Awin Technology na inaasahang maisaayos agad.
Apektado ng emergency leak repair ang lugar ng lungsod ng Mandaluyong, Pasig at Quezon City.
Mandaluyong City:
Barangka Drive
Barnaga Ibaba
Ilang bahagi ng Barangka Itaas
Barangka Ilaya
Buayang Bato
Ilang bahagi ng Hagdang Batolibis
Hulo
Malamig
Mauway
Plainview
Pleasant Hills
San Jose
Wack-Wack
Highway Hills
Pasig City:
Bagong Ilog (maliban sa Kawilihan Village)
Ilang bahagi ng Kapitolyo
Oranbo
San Antonio
Ugong
Quezon City:
Ilang bahagi ng Kaunlaran
Bagong Lipunan ng Crame
Valencia
Ugong Norte
Bandang alas 7:00 kagabi nagsimulang umagos ang tubig sa EDSA-Boni dahil sa nasirang tubo ng Manila Water at tumigil naman ang baha nang pinatay ang suplay ng tubig.