TARGET ni Aira Villegas na makakuha ng gold upang marinig muli ang National Anthem ng Pilipinas sa Paris Olympics.
Ito ang sinabi ng boxer ngayong pasok na siya sa semifinal round.
Kaugnay rito, makakalaban niya sa Agosto 6, Manila time ang contender mula Turkiye.
Nauna nang sinabi ni Villegas na inialay na rin nila ni Petecio ang kanilang mga panalo bago ang finals sa mga kasama nilang boxers na sina Eumir Marcial at Carlo Paalam na natalo na sa kanilang divisions.