National costume ni Yllana Marie Aduana para sa Miss Earth 2023, hango kay “Maria Makiling”

National costume ni Yllana Marie Aduana para sa Miss Earth 2023, hango kay “Maria Makiling”

HANGO sa diwatang si Maria Makiling ang national costume ni Yllana Marie Aduana para sa Miss Earth 2023!

Ang naturang national costume ay binubuo ng mala-bundok na palda, kulay gintong upper piece at nagniningning na headdress.

Ayon sa beauty queen, gawa pa ang kaniyang costume mula sa maraming recyclable plastic materials at food containers na ginupit para magmumukhang dahon.

Nakatakda sa Disyembre 22 ang coronation night ng Miss Earth 2023 sa Saigon Exhibition and Convention Center sa Vietnam.

Subalit bago pa man ang coronation night ay kasama na si Yllana sa Top 5 Best Appearance Category kung kaya’t isa na siya sa may tsansang makuha ang Miss People’s Choice Award.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble