OPISYAL nang binuksan na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Headquarters nito sa Kampo Krame.
Real time umano ang magiging monitoring sa mga pangyayari sa mga lugar na pinagdarausan ng eleksiyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mula sa nasabing hakbang, mas mapapadali ang pagtugon sa mga emergency situations gaya ng political rivalries o bangayan ng magkakabilang Partido.
Katuwang naman sa monitoring ang COMELEC, PPCRV, PNP, AFP at iba pang security sectors sa bansa.