National Election Summit ng COMELEC, magsisimula ngayong araw

National Election Summit ng COMELEC, magsisimula ngayong araw

MAGSISIMULA na ngayong araw ng Miyerkules ang kauna-unahang National Election Summit ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay may temang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan”.

Ayon sa COMELEC, pag-uusapan sa summit ang mga isyu na nararanasan tuwing halalan at kung papaano makakagawa ng reporma para sa isang malinis at tapat na eleksiyon.

Ang mga paksa para sa summit ay sesentro sa voter registration, proseso ng pagbibilang at canvassing ng mga boto, pagpapasumite ng mga certificates of candidacy, campaign finance and fair elections, sa mga guro bilang electoral board member at integration ng voter education sa K-12, tertiary education  at sa national service training program.

Ang election summit ay gagawin sa March 8-10.

Dadaluhan ito ni COMELEC chairman George Erwin Garcia at ng mga komisyuner maging ng iba’t ibang stakeholders sa eleksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter