National Hijab Day Bill, hakbang vs. diskriminasyon –Rep. Hataman

National Hijab Day Bill, hakbang vs. diskriminasyon –Rep. Hataman

IGINIIT ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na malaking hakbang kontra diskriminasyon ang isinusulong ngayon na House Bill No. 1363 o National Hijab Day Bill.

Sa ilalim ng panukala, idedeklara bilang ‘National Hijab Day’ ang kada Pebrero-1 ng taon para mapataas ang awareness sa tradisyon ng mga kapatid nating muslim at malabanan ang diskriminasyon base sa paniniwala.

“Isa itong malaking hakbang sa ating pagpupunyagi at pagsisikap laban sa diskriminasyon base sa relihiyon. Umaasa tayo na ngayong Kongreso ay maging ganap na batas na ito,” saad ni Hataman.

Saad pa ng mambabatas na layon ng panukala na “itaas ang antas ng pang-unawa ng lahat tungkol sa tradisyon at kultura ng mga kababayan nating Muslim, partikular sa pagsusuot ng hijab sa hanay ng mga kababaihan.”

Ito rin ay isang instrumento para labanan ang diskriminasyon base sa relihiyon giit ng kongresista.

Nauna nang inihain noong 16th, 17th at 18th Congress ang panukala at ngayo’y pasado na sa committee level sa Kamara.

Follow SMNI NEWS in Twitter