National ID, posibleng magiging mandatoryo na sa pagkuha ng mga “ayuda”

National ID, posibleng magiging mandatoryo na sa pagkuha ng mga “ayuda”

HINDI malayong kakailanganin na ang National ID tuwing kukuha ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ibig sabihin, ang sinumang walang National ID ay hindi na kwalipikadong makakuha ng ayuda.

Ayon sa Department of Finance, nakikita ng economic development group at inter-agency committee on inflation and market outlook na paraan ito upang maiwasan na ang delay sa pamamahagi ng ayuda.

Maiiwasan na rin ang ibat ibang concerns ng publiko hinggil sa pamamahagi.

Sa ngayon, nasa 50.02 milyon na National IDs na ang matagumpay nai-deliver sa mga Pilipino.

Mahigit 45.49 milyon rin ang ePhilid na naibigay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble