MAARI na ring magparehistro para sa national ID sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa abiso ng PITX, magtungo lamang sa PITX 3rd floor, Multipurpose Hall mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng gabi.
Pinapayuhan din ang mga magpaparehistro na magdala ng alinmang valid ID.
Ang national ID registration sa PITX na nagsimula kahapon, Marso 1 ay tatagal ng isang buwan o hanggang Marso 31, 2023.