National Maritime Pollution Exercise 2022 ng PCG, isasagawa sa katubigan ng Manila Bay ngayong araw

National Maritime Pollution Exercise 2022 ng PCG, isasagawa sa katubigan ng Manila Bay ngayong araw

PANGUNGUNAHAN ngayong araw ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Maritime Pollution Exercise 2022 sa katubigan ng Manila Bay.

Target ng aktibidad na makita ang kasanayan at kakayahan ng mga tauhan ng PCG partikular na sa maritime incident gaya ng oil spill.

Kasama rin sa pagsasanay ang firefighting at search and rescue operations.

Tatagal ang aktibidad ng 6 na oras na inaasahang magsisimula ngayong alas otso ng umaga.

Matatandaang matagumpay na lumahok ngayong taon ang Pilipinas sa Marpolex 2022 sa karagatan ng Wakassar Indonesia kung saan tinalakay at nagsanay ang mga kinatawan ng Pilipinas at Indonesian Coast Guard kaugnay sa usapin ng trans boundaries.

Follow SMNI NEWS in Twitter