National Museum of the Philippines, bubuksan na sa publiko

BUKAS na muli sa publiko ang National Museum of the Philippines mula sa halos isang taon mula nang tumigil ang operasyon nito dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sa Facebook post ng National Museum sa kanilang official page, inanunsyo na simula bukas ay tatanggap na muli ng bisita ang Central Museum sa loob ng complex sa Rizal Park, ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology, at ang National Museum of Natural History.

Mananatili namang sarado ang National Planetarium hanggang wala pang inilalabas na bagong abiso.

Bukas ang lahat ng central museum building mula Martes hanggang Sabado bukod sa religious holidays na may morning session mula alas nuwebeng umaga hanggang alas dose ng tanghali at sa hapon naman ay mula ala-una hanggang alas kuwatro ng hapon.

Limitado naman sa 100 per session ang bilang ng mga bisita sa kada museum at tanging 15 hanggang 65 anyos lamang ang maaring pumasok.

Kailangan ding magpapre-book ng pagbisita online sa National Museum website, kahit isang araw bago ang planong tour.

Sa araw naman ng pagbisita, kailangang nakasuot ng facemask at face shield at isasailalim rin sila sa thermal scanning at kumpletuhin ang health declaration form.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.