National state of calamity, hindi kailangan –PBBM

National state of calamity, hindi kailangan –PBBM

HINDI kailangang isailalim sa state of calamity ang buong bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “highly localized” lang ang mga lugar na may malaking pinsala dahil sa Bagyong Paeng.

Mas mainam na aniya kung manatili na lang sa kasalukuyang calamity status ang Pilipinas.

Ang mga lugar na binanggit ni PBBM na nakararanas ng malubhang pinsala ay ang Quezon, Cavite at Maguindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter