National Super Highway na magdudugtong sa buong Pilipinas, posibleng maisakatuparan—Pastor Quiboloy

National Super Highway na magdudugtong sa buong Pilipinas, posibleng maisakatuparan—Pastor Quiboloy

SA paglipas ng panahon, ang Pilipinas ay nahuhuli pagdating sa road construction at imprastraktura kumpara sa ibang bansa.

Sa katunayan, ngayong taon, iniranggo ng International Institute for Management Development (IMD) ang imprastruktura ng Pilipinas sa ika-61 mula sa 67 na mga bansa, habang ika-90 naman ang Pilipinas pagdating sa imprastraktura, ayon sa Global Competitiveness Index ng World Economic Forum.

Sa ganitong kalagayan, paano maaabot ng bansa ang antas ng mga bansang may maunlad at modernong sistema?

Isa sa mga nakikitang sagot dito ay ang plano ni KOJC leader Pastor Apollo C. Quiboloy, na tumatakbo bilang senador.

Kaniyang isinusulong ang pagtatayo ng isang National Super Highway System na magdudugtong sa buong bansa, na hindi lamang magpapabilis ng transportasyon ngunit magbibigay-daan din sa mas mabilis na progreso ng Pilipinas.

“Sabi nga ni Pastor, if you want to become a first world country dapat first world din ang infrastructure mo, yes kasi ang isa sa pinaka-importante sa first world infrastructure is ‘yung National Transportation Network mo or Modern Transportation Network mo,” saad ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Atty. Kaye Laurente, tagapagsalita ng Butihing Pastor, ang mungkahing Modern National Transportation Network ni Pastor Apollo ay layong pabilisin ang biyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa, mula Luzon hanggang Mindanao, kabilang na ang mga rehiyon tulad ng Bicol, Visayas, Palawan, at MIMAROPA. Sa ganitong paraan, magiging mas mabilis, maginhawa, at abot-kamay ang kaunlaran para sa lahat ng Pilipino.

“So, ito kasing modern Transportation Network sinasabi ni Pastor ito ‘yung kumbaga veins sa isang, kung sa katawan pa, siya ‘yung nagdi-distribute ng mga nutrients, ng mga oxygen sa lahat ng parts of your body it will distribute and then ito naman ‘yung maglilinis dadaan ‘yan sa veins lahat dito once na up to the remotest barangay meron pong Transportation System abot po ‘yan silang lahat so, mas mapapalago ‘yung economic, local economies,” paliwanag ni Laurente.

Kabilang din sa plano ng senatorial aspirant ang pagpapatayo ng two-way bullet train system, multi-lane highways, at mga terminal na mag-uugnay sa iba’t ibang mode ng transportasyon tulad ng tren, ferries, at mga bus.

Hindi lamang ito magpapabilis ng biyahe, kundi makakatulong din itong maabot ang mga liblib na lugar, na magpapalago sa turismo at agrikultura ng bansa.

“Gusto ni Pastor magiging self-reliant na ang government natin, so ito maraming impact ito, so ito maraming impact ito number one nga tama ka ‘yung economic impact kasi nga dadaan ‘yan lalo na sa tourist destinations talagang pinag-isipan talaga ni Pastor although meron na tayong existing na national highway ang gusto ni Pastor iko-connect na lang ‘yun, o ‘yan nakikita niyo ‘yan ‘yung existing’ yung white iko-connect ‘yan, ‘yan ‘yung yellow kasi nga di ba archipelago ‘to different islands so, dapat naka-connect para mas mapabilis ang transportation ng lahat ng mga agricultural products and ang gusto pa ni Pastor since, direct na from the agriculture from the farmers diretso na siya wala ng middle man kaya mas mako-control na ‘yung pricing system,” dagdag pa ni Laurente.

Sa pagtatayo ng mga modernong sistema ng transportasyon at kalsada, ayon kay Laurente, magkakaroon ito ng positibong epekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Sa construction pa lang ng infrastructure na ito ng modernize transportation system na ito it can even create about 10 million jobs, ‘yun ang napo-project nito kasi ganito kalaki from the creation, from the architectural, from the building, engineering lahat ‘yan and also ‘yung mga tourist destinations magiging modernized na ‘yan di ba?”

“Tapos even ‘yung mga accommodations mae-improve na ‘yan kasi madali na lang mapupuntahan na so ‘yun ang magiging impact din economically and at the same time also aside sa naging economic impact niya is meron di siyang environmental considerations,” aniya.

Sa laki ng proyektong ito, posible nga ba itong maisakatuparan sa Pilipinas? Is it doable? Parang ayan na marami talagang magdududa kaya ba ‘yan? Sabi ni Pastor, yes it’s doable, may nakausap na po si Pastor, sabi niya ready na si Pastor he’s not just only planning, he’s not just visualizing it but he has already talking to someone who was able to do it before na in their country and again they are very willing to help Pastor in achieving not only Pastor, the Philippines in achieving this dream. Is it an impossible dream? Not to Pastor, again ‘yun ‘yung kaibahan ni Pastor, I will always be emphasizing this, ‘yun ang kaibahan ni Pastor from all other senatorial candidates kasi he has faith, malaking bagay ang magkaroon ng faith,” giit ni Laurente.

Kaya naman, binigyang-diin din ni Atty. Laurente na ang ganitong kalaking proyekto para sa Pilipinas ay kayang-kaya kung si Pastor Apollo ay bibigyan lamang ng pagkakataon ng mga Pilipino.

“So, yes achievable siya, doable siya, ‘yun nga ang kaibahan ni Pastor kasi kumbaga may resibo sabi nga nila di ba, meron na siyang nagawa and he’s not just helping Kingdom citizens, he’s also reaching out even to non-members kasi ‘yun nga, ‘yung love niya is accommodating all, it’s not exclusive it’s all inclusive siya. So, doable, very doable talaga amazing nga kasi may nakausap na and then kumbaga Pastor anytime ganun. Kaya ang challenge ni Pastor for the all other candidates not just aspiring government officials but even to the current administration. Anyone, whatever position you have at all has already shown you the model for the modern transportation network, he’s challenging you, he’s giving you the idea, yes this is possible, yes you can also do it but if you can’t of course and he says if he is given a chance also to have a seat in the government he will really do it and ‘pag si Pastor ang nagsabi talagang gagawin at gagawin  niya,” ayon pa kay Atty. Laurente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter