GINANAP sa probinsiya ng Bohol ang National Teacher’s Month kick-off na may temang “Together 4 Teachers” at pinangunahan mismo ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.
Ang National Teacher’s Month ngayong taon ay nagsimula noong Martes, Setyembre 5 sa Bohol Wisdom School sa lalawigan ng Bohol, na dinaluhan ng mahigit 2,000 mga guro mula sa Rehiyon 6, 7, at 8.
Malugod na tinanggap ni Regional Director Salustiano Jimenez ng DepEd Region 7 na siyang host region ang mga dumalo sa pasimula ng National Teachers’ Month.
“To all our teachers, today is your day. We mean to celebrate National Teachers’ Month and World Teachers’ Day because of your importance, your heroism, and your contributions to society, especially in honing the minds of our learners,” ayon kay Salustiano Jimenez.
Ang kick-off ay personal na pinangunahan ni DepEd Secretary at Vice President Inday Sara Duterte.
Ipinaliwanag ng Bise Presidente ang bagong inilunsad na MATATAG Curriculum na nakatutok sa pagpapasimple ng kasalukuyang K to 12 curriculum at muling pagpoposisyon ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education Act bilang sentro ng edukasyon sa 21st Century na mga mag-aaral sa bansa.
Inihayag din ni VP Sara na ang DepEd ay maglalabas ng pansamantalang mga alituntunin na magpapababa sa 56 na gawaing administratibo sa 11 na lamang upang maibsan ang mga gawain ng mga guro.
“Interim guidelines will be issued significantly and immediately reduce admin tasks of the teachers.”
“And this one, we made sure that in this year’s school calendar, teachers will have 30 straight days of rest during the break,” ayon kay VP Sara Duterte.
Labis namang ikinatuwa ng mga guro ang mga mabuting balita na hatid ni VP Sara.
Samantala, nagpaabot naman ng kaniyang mainit na suporta para sa mga guro upang makamit ang isang edukasyon na MATATAG ang gobernador ng Bohol na si Governor Aris Aumentado.
“Through their unwavering dedication, our teachers have become our reliable and strong pillars in strengthening the bedrock of our families, our communities, and our Filipino nation by imbibing an education that is MATATAG. We also recognize their positive influence and impact that goes far beyond the four walls of their classrooms,” ayon kay Gov. Aris Aumentado, Bohol Governor.
Bago pa man tuluyang magtapos ang selebrasyon, namahagi naman si Senator Imee Marcos ng rice assistance at tig-P1-K para sa mga guro na dumalo sa kick-off celebration.
Puno ng pag-asa ang mga guro sa makabagong sistema na inilatag ng DepEd sa pangunguna ni VP Sara—isang MATATAG na edukasyon para sa kabataang Pilipino.
“Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa bansa at sa bawat pamilyang Pilipino. Shukran (thank you),” ani VP Sara.