National Tourism Development Plan para sa 2023-2028, inaprubahan ni PBBM

National Tourism Development Plan para sa 2023-2028, inaprubahan ni PBBM

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang National Tourism Development Plan (NTDP) para sa 2023-2028.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang isang sectoral meeting nitong umaga ng Martes kasama ang mga kalihim, mga ahensiya ng pamahalaan, Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Tourism (DOT).

 “Sa sectoral meeting kanina, tinalakay ang panukalang National Tourism Development Plan. This aims to establish a Philippine Tourism Industry anchored on Filipino culture, heritage and identity, with the goal of transforming the country to be a tourism powerhouse,” ayon kay Daphne Oseña-Paez, Malacañang Press Briefer.

Sa ginanap na pulong-balitaan sa Malacañang nitong Martes, sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na ang NTDP ay resulta ng konsultasyon sa Tourism Coordinating Council at sa iba’t ibang tourism stakeholders mula sa mga rehiyon ng bansa.

Dagdag pa ng kalihim, ang NTDP ay magsisilbing blueprint at development framework para sa tourism industry sa ilalim ng panunungkulan ng Marcos administration.

“We are very grateful to our president for articulating very early in his administration his priority for tourism development. And this has resulted in a convergence among government agencies as far as giving full support to the development of the industry recognizing the losses that have ensued as a result of the pandemic and various calamities,” ayon kay Sec. Christina Garcia-Frasco, DOT.

Iprinesenta ni Frasco ang 7 layunin ng panukalang NTDP 2023-2028.

Kabilang dito ang pagpapabuti ng:

Tourism infrastructure at accessibility; Digitalization at connectivity; Pagpapahusay ng pangkalahatang tourist experience;

Pagkakapantay-pantay ng pagpapaunlad at promosyon ng produktong turismo; Sari-saring uri ng portfolio ng turismo; Pag-maximize ng domestic at internasyonal na turismo; at Pagpapalakas ng tourism governance.

DICT, tiniyak na suportado ang DOT pagdating sa digitalization at connectivity sa primary tourist destinations

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DICT na suportahan ang DOT sa pamamagitan ng pagresolba sa mga isyu sa connectivity sa 47 mula sa 94 na destinasyon.

Gayundin ang pagpapatupad ng e-visa system upang mapabilis ang proseso ng visa at mapadali ang mga aktibidad na may kaugnayan sa turismo.

Bilang tugon, inihayag ni DICT Secretary Ivan John Uy sa kaparehong press briefing na katuwang sila ng DOT pagdating sa internet connectivity.

 “Well, the DICT’s role here is to really support the Department of Tourism in its effort in establishing the Philippines as one of the primary tourist destinations around the world. And one of the challenges really in promoting and establishing that position for the Philippines is issues on digitalization and connectivity,” ayon kay Sec. Ivan John Uy, DICT.

Sinabi ni Uy na 94 priority tourism sites ang lalagyan ng internet connection.

 “So with that list, in a matter of a few months, we’ve already put into the program that for the first phase, we will be able to deploy about 46 out of the 94 destinations that will be lightened with free internet connectivity,” ayon kay Sec. Uy.

Sa ilalim ng phase one ng programa, ani Uy, sasaklawin nito ang ilang major sites ng turismo gaya ng Baguio, Palawan, Boracay, Cebu, at iba pang tourism destinations na tinukoy bilang priority destinations.

Ang hakbang ay joint initiative ng DOT at DICT na layong matiyak na matatamasa ng mga turista ang masaya at kumpletong karanasan sa turismong lugar.

Sa kabilang banda, nakipagtutulungan din ang DICT kasama ang DOT, Bureau of Immigration (BI) at Department of Foreign Affairs (DFA), sa pag-deploy ng isang e-visa system.

Pilipinas, tuluy-tuloy ang direksiyon sa pagbubukas ng travel at tourism industry sa kabila ng bahagyang pagtaas ng COVID cases—DOT

Samantala, inilahad naman ng DOT na tuluy-tuloy ang direksiyon ng bansa sa pagbubukas ng travel at tourism industry.

Ito’y sa kabila ng pagtaas ng COVID cases sa ilang bahagi ng bansa.

Kasabay nito, tiniyak ni Secretary Frasco na patuloy rin ang kanilang suporta sa ipinapatupad na health measures ng Department of Health (DOH) at pagsiguro sa kaligtasan at kalusugan ng mga Pilipino.

Sinigurado rin ng kalihim ang pagtalima ng lahat ng DOT accredited establishment’s pagdating sa minimum health at safety standards.

 “Tapos na po yung pandemiya sabi po yan ng WHO. Kaya naman po while we continue to support the department of health’s measure, the direction of the Philippines is forward and that is to ensure that we continue to open up the country to travel and tourism as is the direction set by our President,” dagdag ni Frasco.

Bagong Tourism slogan ng Pilipinas, nakatakdang ilunsad ng DOT sa mga susunod na linggo

Sa kabilang dako, ibinahagi naman ng DOT na nakatakda nilang ilunsad sa mga susunod na linggo ang bagong Tourism slogan ng Pilipinas.

Bago nito, tiniyak ni Frasco na magkakaroon sila ng konsultasyon sa tourism stakeholders hinggil dito.

Ito ang sagot ni Frasco nang matanong kung magkakaroon ng pagbabago sa marketing strategy ng ahensiya kasunod ng pag-apruba ng NTDP para sa 2023-2028.

 “The main change first of all is that the focus of the DOT will be to highlight the heart and soul of the Filipino that is evident in our culture, our festivals, our food, the local products of our small and medium enterprises are living cultural heritage. Everything that makes us diverse and unique and a proud Filipino people that gives us pride of place,” dagdag ni Frasco.

Tiniyak naman ni Frasco na magugustuhan ng mga Pilipino ang pinahusay na Tourism slogan.

“We are putting forth the best of the best of the Philippines to the world because it cannot be denied that we do give the world our best and while the DOT has not yet come out with an enhanced tourism slogan as that as a country brand, I assure you you’ll love it,” ani Frasco.

Sa kasalukuyan, mayroong tourism tagline ang bansa na “It’s More Fun in the Philippines”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter