Nationwide celebration ng ika-80 kaarawan ni FPRRD, pinaghahandaan sa Davao City

Nationwide celebration ng ika-80 kaarawan ni FPRRD, pinaghahandaan sa Davao City

ABALA na ang mga volunteer group sa Davao City para sa sa paghahanda sa ika-80th bday celebration ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Mula sa retired government workers, Muslim sector, private entities at iba’t ibang organisasyon—lahat magsasama sama sa malaking selebrasyon.

Sa pulong kanina ng PRRD Coalition, iginiit ng mga City Councilor na nag-attend na hindi palalampasin ng mga residente ng siyudad ang kaarawan ng dating Presidente na ngayon ay naka-detine sa International Criminal Court (ICC) facility sa Netherlands.

Kasama sa plano ang maitala ang pagtitipon sa Guinness Book of World Records bilang pinakamaraming attendees o nakisali sa isang rally sa buong mundo.

Target ng organizers na sabayang isagawa ang selebrasyon sa buong bansa at buong mundo kung saan may Pilipino.

Bago pa makuha ng mga awtoridad si FPRRD, may nakalatag nang plano para sa kaniyang 80th birthday celebration.

At kahit nakakulong ngayon ang dating Presidente, itutuloy at palalakihin pa ang selebrasyon bilang moral support sa dating punong Ehekutibo.

Tiniyak naman ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang suporta sa mga nasabing aktibidad, lalo na’t malapit na magkaibigan sina KOJC Spiritual Leader Pastor Apollo C. Quiboloy at former President Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble