Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, muling isinasagawa sa San Juan, Taytay, Rizal

Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, muling isinasagawa sa San Juan, Taytay, Rizal

MULING isinasagawa ang Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa San Juan, Taytay, Rizal.

Sinabi ng mga taga brgy. na problema nila kapag bumabaha ang baradong drainage. Dulot ito ng hindi tamang pagtatapon ng mga basura.

Kapag ang sapa ay umapaw na, tiyak baha na ang kasunod nito.

Kaya layunin ni Pastor Apollo na maituro sa mga tao na magkaroon ng kalinisan at malasakit sa kapaligiran at panatilihing malinis ang komunidad dahil ito ang ‘Tatag ng Bayan’.

Excited na makapag-participate ang mga volunteer sa ganito kagandang inisyatibo ng butihing Pastor dala ang kanilang mga kalakay, walis tingting, at sako para sa paglilinis.

Mula bata hanggang mga young at heart ay nakiisa sa cleanliness drive na hindi lang dito isinasagawa kung di sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kasama din ang dating kadre ng CPP-NPA-NDF at SMNI Anchor na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na nakiisa sa cleanliness drive.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter