TAGUMPAY na naman ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa isinagawa nitong Nationwide Cleanliness Drive pagkatapos ng Tree Planting Activity na inorganisa ng grupo noong nakaraang linggo.
‘Yan ay dahil sa magaling na lider na nasa likod nito na walang iba kungdi si Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi mapapantayan ang malasakit nito sa bayan at kalikasan.
Mula kasi noon pang 2005, wala nang tigil si Pastor Apollo sa pagtatanim ng puno at paglilinis ng kapaligiran sa ilalim ng Sonshine Philippines Movement (SPM).
At sa kabila ng hamon sa kongregasyon, ang mga programa ni Pastor ay nagpapatuloy dahil sa tapat nitong hangarin para mapaganda at maging matatag ang bansang Pilipinas.
Pastor Apollo C. Quiboloy, hindi pa senador, may ginagawa na para sa bayan ayon sa mga political vlogger
Ang Kalinisan, Tatag ng Bayan Nationwide Cleanliness Drive ni Pastor Apollo, sinaluduhan ng mga political commentator sa bansa at ng mga Pilipino na kaisa ng naturang programa.
Para kay Bisdak at sa mga Banateros, kahanga-hanga si Pastor, na kahit hindi pa nakaupo sa puwesto ay marami nang nagawa para sa mga Pilipino pagdating sa pangangalaga ng kapaligiran.
“Kalinisan ay Tatag ng Bayan, ‘yan ay tugmang tugma. Kasi matagal na nila itong ginagawa,” ayon kay Master Judea, Political Vlogger, SMNI Anchor.
“Dito ako bilib kay Pastor Apollo,” wika ni Coach Oli, Political vlogger, SMNI Anchor
“Pastor Apollo C. Quiboloy, naglilingkod ka na po sa taumbayan,” ayon kay Bisdak, Political Vlogger.
Panawagan nila ngayon sa National Government at LGU na sundan ang yapak ni Pastor Apollo.
Anila, makakatulong ito para matuto ang bansa mula sa mga nangyaring kalamidad tulad ng mga pagbaha.
Habang disiplina naman ang panawagan nila para sa residente upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang mga lugar kasunod ng clean up drive.
Sa oras na maupo bilang senador si Pastor Apollo, ang pagtatag o paglikha ng isang komisyon para sa kalinisan ang isusulong ng Butihing Pastor.
Isusulong din nito ang mga programa na magpapaunlad ng kalagayan ng mga mahihirap at ang zero corruption sa mga ahensiya ng gobyerno.
Naniniwala ang mga political vlogger, na ang mga kagaya ni Pastor Apollo ang kailangan ng mga Pilipino para maging mapayapa at maunlad ang Pilipinas.
“Nakikita niyo naman ang gulo. Tayo po kailangan natin si Pastor Quiboloy,” dagdag ni Coach Oli.