SA patuloy na ginaganap na Nationwide Cleanliness Drive sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, ang Sonshine Philippines Movement (SPM), sa gabay at pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ay patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng kaayusan at kalinisan ng kapaligiran partikular na sa barangay Bucana, Davao City.
Dala-dala ang kanilang mga walis, sako, at iba pang mga gamit, maaga pa lang, nagsimula na ang mga volunteer sa paglilinis ng mga tabing-daan kung saan ipinapakita ng bawat isa, mula sa mga kabataan hanggang sa mga nakatatanda, ang kanilang malasakit at pagmamahal sa kalinisan ng komunidad.
Bilang pagsuporta sa layuning ito, nakiisa rin sa nasabing activity ang iba’t ibang organisasyon, at mga kawani ng barangay sa malawakang paglilinis ng mga basura at pagsasaayos ng komunidad.
Samantala, nagpapasalamat naman ang mga residente ng nasabing lugar sa inisiyatibong ito na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kanilang komunidad at magkaroon ng mas malinis na kapaligiran.
Ang inisiyatibong ito ni Pastor Apollo ay nagpapakita ng tunay na malasakit sa kalinisan ng ating kapaligiran at isa lamang ito sa marami pang layunin niya tungo sa pagpapalawak at pagpapanatili ng isang malinis at maayos na lugar para sa bawat isa.
Patuloy ang Sonshine Philippines Movement sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sa pagpapalaganap ng ganitong inisyatibo na nagpapatibay sa ating bayanihan, pagmamahal sa kapaligiran at sa pagtutulungan ng bawat isa.