Nationwide Cleanliness Drive ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nagbigay kamalayan sa Pilipino na maging makakalikasan

Nationwide Cleanliness Drive ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nagbigay kamalayan sa Pilipino na maging makakalikasan

ISA sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa ay ang hindi maayos na pamamahala sa basura na nagdudulot ng masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Ang kawalan kasi ng disiplina ng maraming Pilipino sa tamang pagtatapon ng basura ang nagiging sanhi ng pagbaha lalo na sa mga lungsod dahil bumabara ito sa mga kanal at daluyan ng tubig.

Patunay diyan ang tambak na basura na nakakalat sa Baseco Beach sa lungsod ng Maynila na naging banta sa kalikasan at kalusugan ng mga residente sa lugar.

Sa patuloy na pagdami ng populasyon— nagiging hamon ang pangangalaga sa kalikasan dahil sa pagtaas ng polusyon, basura at pagkasira ng likas na yaman.

Ang inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang magiging daan upang maibalik ang dating ganda at linis ng kapaligiran.

Isang pag-asa ang ibinigay ni Pastor Apollo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) matapos mapili ang Baseco Beach para sa nationwide cleanliness drive, kamakailan.

Libu-libong volunteers mula sa iba’t ibang sektor ang sumali sa programa na inisyatibo ng Butihing Pastor simula pa noong 2005.

Sa kabila ng sikat ng araw ay masayang nagtipun-tipon ang mga volunteer bitbit ang kanilang mga kagamitang panglinis.

Mula bata hanggang sa matanda ay sabay-sabay na naglinis sa malawak na Baseco Beach.

Ang senior citizen na si Pepito Castro—hindi nagdalawang isip na sumama sa aktibidad kahit pa may edad na.

“Isa itong napaka-dakilang gawain na kinakailangan ng buong Pilipinas dahil sinasabi nga na ang kalinisan ay ito ‘yung pagiging maka-Diyos,” ayon kay Pepito Castro, Volunteer.

Ang inisyatibo ni Pastor Apollo ay napakahalaga aniya upang mabigyan ng importansiya ng mga Pilipino ang pangangalaga sa kalikasan.

“Ang halos lahat ng Pilipino ay nabubuksan na ang kanilang kaisipan at puso regarding sa ganitong aktibidad lalong-lalo na ang clean up drive,” dagdag ni Castro.

Sinabi naman ni Richard Dionela na kabilang sa libu-libong volunteer hindi maganda ang idinudulot na epekto ng mga basura sa kalikasan.

“Sa mga nagdaang bagyo ito talaga ang isa mga dahilan maraming basura sa mga estero na ngayon ay napupunta sa sea shore dito sa may dagat, isa pang magiging dahilan ng basura ay ang kalusugan din nila ay naapektuhan din dahil sa dami ng basura na napupunta.”

“Kaya itong clean up drive na pinangunahan ng Mahal na Pastor ay napakalaking kasagutan at tulong sa mga mamamayan dito,” wika ni Richard Dionela, Volunteer.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) tuwing nagkakaroon ng masamang panahon ay sandamakmak na basura ang nakakalat sa Baseco Beach mula sa karatig lalawigan.

Kaya malaking bagay ang ganitong programa mula sa isang tao na totoong nagmamahal sa bayan.

Ilang oras ang ginugol ng mga volunteer upang linisin ang malawak na Baseco Beach.

Aabot sa higit 900 sako na puno ng mga basura ang nakolekta ng mga volunteer sa paglilinis sa lugar.

Ka Erik sa Nationwide Cleanliness Drive ni Pastor Apollo Quiboloy: National awakening upang maging responsable at mapag-alaga sa kalikasan

Ang pagmamahal ni Pastor Apollo sa bayan lalo na sa pangangalaga sa kalikasan ay hinangaan ng dating kadre na si Jeffrey “Ka Erik” Celiz.

Punto niya, si Pastor Apollo ang lider na makapagbabago bansa dahil sa puso nito para sa Pilipinas.

Patunay nga rito ang kaniyang mga adbokasiya na nakatuon sa kalikasan.

Pero, ano nga ba ang epekto ng ginawang programa ni Pastor Apollo?

“Ang ating taumbayan ay bahagi ng inisyatiba para pukawin ang kanilang environmental awareness at kanilang social awareness sa kahalagahan ng pagiging responsable at mapag-alaga sa kalikasan at Inang Bayan,” ayon kay Jeffrey “Ka Erik” Celiz, Former Cadre.

Ang panawagan ni Pastor Quiboloy na Kalinisan: Tatag ng Bayan which is actually encouraging the spirit of volunteerism sa hanay ng mamamayan.

“Sapagkat pinupukaw natin ang diwang patriyotiko at ang kamulatan ng mamamayan na magtiwala sa sarili nilang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ay malilikha ang pagbabago,” giit ni Celiz.

Maituturing din aniyang long term program ng Butihing Pastor ang mga ganitong aktibidad lalo na sa mga kabataan.

Ito ay para kumilos ang mga kabataan sa mga magagandang layunin na malaking oportunidad upang mahiwalay sa mga masasamang bisyo at hindi magandang direksiyon sa buhay.

“Pastor Apollo C. Quiboloy, Sir. Hindi mauubos ang aming pasasalamat sa mabubuting inisyatiba, mabubuting gawain at mabubuting kaisipan na inyong ibinahagi sa sambayanang Pilipino. Kami na mga dating rebelde at kadre ay binigyan mo kami ng bagong buhay at panibagong landas at panibagong kabuluhan na kaming maging kabahagi ng tamang paglalakbay ng kapayapaan sa lipunan. You will always be real leader of this country and the entire Filipino people and the entire humanity. Pambihira ang iyong pagkatao at inyong pamumuno Pastor Quiboloy, dapat po kayong tularan,” dagdag pa ni Celiz.

Una na ring tiniyak ni Pastor Apollo na hindi lang rito matatapos ang mga programa na nakatuon sa pagpapaganda sa kalikasan.

Ito ay magtutuloy hanggang maitanim sa puso at isip ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa pangangalaga sa Inang Kalikasan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter