HINIMOK ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makilahok sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa ngayong araw.
Sa impormasyon mula sa OCD, ganap na alas-dos ng hapon ay gagawin ang Ceremonial Pressing of the Button bilang hudyat para gawin ang duck, cover and hold sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Bago nito, magkakaroon ng Mustering of Forces na lalahukan ng iba’t ibang response agencies sa ganap na alas-8 ng umaga.
Inaasahang dadalo sa aktibidad ang mga opisyal mula sa Department of National Defense (DND), OCD, Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Layunin nito na maihanda ang publiko sakaling tumama ang malakas na pagyanig.