Nationwide price freeze ngayong El Niño, hindi magandang ipatupad—DA

Nationwide price freeze ngayong El Niño, hindi magandang ipatupad—DA

IKINABABAHALA ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na magkaroon ng nationwide price freeze para sa mga pangunahing produkto dahil sa El Niño.

Sa pahayag ni DA Spokesperson Arnel De Mesa, nararapat lang ipatupad ang nationwide price freeze tuwing may emergency.

Hindi naman aniya buong bansa ang lubos na apektado ng El Niño dahil madalas ay nasa kanlurang bahagi lang ang makikitang napipinsala dahil sa matinding inti.

Kung idadamay ang buong bansa ayon sa spokesperson, malaki ang tsansa na magkakaroon na ng problema.

Kung mapapansin, si Sen. Francis Tolentino ang nagmungkahi para dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble