Natitirang disqualification case ni BBM, ibinasura ng COMELEC

Natitirang disqualification case ni BBM, ibinasura ng COMELEC

WALA nang hadlang sa pagtakbo sa pagka-pangulo ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ito ay matapos ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang natitirang disqualification cases na isinampa laban sa kanya.

Sa desisyon ng COMELEC First Division, ibinasura ang huling petisyon dahil sa kakulangan ng merito.

Nilagdaan ang desisyon nina COMELEC Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino at Aimee Torrefranca Neri.

Ang ibinasurang disqualification case laban sa presidential aspirant ay isinampa ng grupong Pudno Nga Ilokano.

Follow SMNI NEWS in Twitter