Natitirang suspek sa pamamaril sa 2 pulis-Bocaue ‘di pa rin natutunton

Natitirang suspek sa pamamaril sa 2 pulis-Bocaue ‘di pa rin natutunton

BIGO pa ring matunton ng mga awtoridad ang isa pang kasabwat sa pamamaril sa dalawang pulis noong Marso 8, 2025 sa isang buy-bust operation sa Bocaue, Bulacan.

Sa isang CCTV footage, nakita na tumakas ang isang suspek gamit ang mismong motorsiklo ng isang pulis na nasawi matapos mabaril.

Ayon sa impormasyon ng Police Regional Office 3, may maganda na silang lead sa kinaroroonan ng tumakas na suspek pero hindi pa raw dapat isapubliko upang hindi maunsiyami ang manhunt dito.

Nasawi sina Police Staff Sergeants Dennis Cudiamat at Gian George Dela Cruz sa engkwentro.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble