Nat’l budget na kasama bilang start-up capital ng Maharlika Fund, tanggalin –analyst

Nat’l budget na kasama bilang start-up capital ng Maharlika Fund, tanggalin –analyst

MAGANDA ang idudulot ng Maharlika Fund basta’t may malinaw at transparent na mechanisms at accountability sa bansa gaya ng sa Hong Kong, Singapore, Norway at Kuwait.

Ito ang inihayag ni Political Analyst Dr. Antonio Contreras na bagamat may agam-agam din naman siya hinggil sa ipinapanukalang Maharlika Fund ay masosolusyonan din ito.

Sa ipinapanukalang Maharlika Fund, kukunin ang start-up capital nito mula sa government financial institutions (GFIs).

Sa Government Service Insurance System (GSIS), kukuha rito ng P125-B; sa Social Security System (SSS) at LandBank ay pawang tig-P50-B; sa Development Bank of the Philippines at mula sa national budget ay pawang tig-P25-B naman.

Inaasahang ang Maharlika Fund ay gagamitin bilang pondo pang-invest sa mga malalaking proyekto na ikauunlad ng bansa gaya ng sa sektor ng imprastraktura, agrikultura, enerhiya at iba pa.

Saad pa ni Contreras na kung ang ikinatatakot ng ilang mambabatas ay mawaldas ang pera mula rito gaya ng sa nangyari sa Malaysia, tanggalin na lang sa pagkukunan ang national budget na katumbas sana ng P25-B.

Samantala, ang 1Malaysia Development Berhad scandal ay isang corruption issue kung saan batay sa September 2020 update nito ay aabot sa USD4.5-B ang kabuoang nanakaw sa kanilang wealth fund.

May outstanding debts din ang Malaysian Government na aabot sa USD7.8-B

Gayunpaman, noong August 2021, ibinalik ng US government ang kinokonsidera nilang misappropriate fund sa kanilang hurisdiksyon na USD1.2-B sa wealth fund ng Malaysia.

Maging ang ibang bansa gaya ng Singapore ay nagsauli rin ng pera sa Malaysia dahil misappropriate fund rin anila ito sa kanilang hurisdiksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter