HANDANG-handa na upang maglaban-laban ang nasa 400 paaralan sa buong Pilipinas sa nakatakdang Rebisco Volleyball League (RVL) under-19 national finals.
Sa anunsiyo, gaganapin ang event sa Gameville Ballpark Mandaluyong mula Enero 8-10, 2024.
Magkakaroon din ng event kaugnay rito sa Ynares Sports Arena sa Pasig City mula Enero 11-13.
Layunin naman ng patimpalak ay makapag-produce ng mga kabataang manlalaro sa iba’t ibang bahagi ng bansa.