NANALO ng tatlong gold medal ang National Para Bowling Team sa 1st Asian Para Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong.
Dalawang gold ang nakuha ni Jamie Manginga sa Men’s TPB8 Singles at Men’s All Events TPB8 standing.
Habang isa naman ay mula kay Christopher Chui Yue at Angelito Guloya sa double class TPB9 + TPB9.
Nakakuha rin ang Para Bowling Team ng tatlong silver at apat na bronze.
Pinaalalahanan din ni Philippine Paralympic Committee President Michael Barredo ang mga para atletang Pinoy na galingan ang kanilang paglalaro para sa muli nilang pagsabak sa Phnom Penh, Cambodia.