NANINIWALA ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na ang tumamang missile sa Poland ay isang aksidente habang patuloy pa ring iginigiit ni Ukrainian leader Colodymyr Zelenzky na hindi dapat sisihin ang anti-aircraft nito.
Itinuro ni Zelensky ang sisi sa Russia ngunit patuloy na sinusuportahan ng Estados Unidos at NATO ang assessment ng Warsaw na ang mapanganib na missile ay maaaring nanggaling sa Ukraine.
Ang nasabing missile ay kumitil sa buhay ng 2 katao nang tumama ito sa bayan ng Przewodow malapit sa border ng Ukraine noong Martes na ikinagulat ng Poland na miyembro ng NATO.
Ang parehong Warsaw at NATO ay sinabing ang pagsabog ay maaaring dahilan ng Ukrainian Air Defense Missile na pinalipad upang pigilan ang dambuhalang Russian barrage na tumatarget sa mga civilian infrastructure habang iginigiit na ang Moscow pa rin ang dapat na sisihin dahil sa pagsisimula ng tunggali.